At dyan nagsimula ang maiksi naming balitaktakan ni ex-hubs.
Medyo matagal syang hindi nagparamdam. No call, no text kahit na sa mga holidays o birthday. So hindi talaga expected na susulpot na lang siya bigla.
Anyway, kamustahan lang naman ng anak ang naganap, so don’t panic.
Since 18 years old na rin naman yung nagiisang nag tagumpay na project namin (aka “supling”), napunta ang usapan sa usaping ligawan.
Backtrack muna tayo ng konti.
A few months back, nagsabi na si anak na may gusto nang umakyat ng ligaw sa kanya. (Bakit kaya “umakyat ng ligaw”, eh wala namang aakyatan?) Ako naman, dahil kilala ko na si Akyat Ligaw Boy, at kilala ko din naman yung anak ko, pumayag ako. With reservations. At isang damakmak na guidelines. So far, ok naman. Hinay hinay lang. Cool lang. Walang dramang nagaganap. Hindi naman sila palaging nagkikita; actually nga, madalang lang, kasi busy sila pareho at magkabilang sulok ng Metro Manila sila nag aaral.
(Sana hindi mabasa ng anak ko ‘to. Baka himatayin sa hiya. Lol!)
So ayun na nga, may konting diskusyunan tungkol dun.
Wait lang, ha! Wait.
Tama ba yang nabasa ko? May pag-kukwestyun ka ba sa desisyon ko sa buhay? Hindi, eh. Parang meron, eh.
Anyway, kebs na.
Hindi naman ako madaling magpa-peer pressure, so hindi din ako papa-sway dito. Lalo na nga’t wala namang audience participation masyado itong si mokong.
May mga moomoo kasi si kuya…
Pero sabi ko nga, hindi na counted ang opinion nya, so sorry, kuya. Better luck next time na lang. Ngayon, ang malaking tanong ay: tama nga ba ko?
Sana.
Eh kasama naman sa buhay yan. Dadating at dadating din ang time na hahantong tayo sa sitwasyong ganyan, and sa tingin ko naman, di na masyadong bata ang 18.
Ang magagawa mo na lang talaga ay mag remind (pero sermon talaga yun na naka disguise), maging involved (wag lang sobra), konting stalk sa Facebook, Instagram, etc. at magdasal na tama, kahit na kalahati, ang mga desisyon mo sa pagpapalaki ng anak.
Nakakatakot man isipin na pwedeng pwede na mag asawa ang anak mo, o di kaya’y gumawa ng mga kahindikhindik at di kanais-nais na gawain na ayaw mo man lang isipin (ewww!), pero, gusto mo rin ba na wala man lang magkagusto sa anak mo? Kawawa din sila, di ba, kung tatandang dalaga o binata nang hindi naman nila choice, at dahil lang sa kagagawan mo?
Aminin mo!
Kung gusto naman nila maging Forever Alone, ayos lang din. Basta gusto nila. At least, maranasan man lang nila kahit minsan ang magligawan. For academic purposes. Research, ganyan.
Sa ngayon, mukhang ok pa naman, Tuloy tuloy lang ang pagmasid, para madaling makialam bago may masamang pangyayaring maganap. Sana nga.
At sa tatay nya, eto lang masasabi ko:
Thank you sa text. Kaya na namin ‘to.
2 replies on “Text-text na lang”
Sana maging pocketbook ang entries mong Tagalog. Calling PsiCom, Summit, eheheheh
Salamat sa pag comment. 🙂